Higit 4000 titulo, ipamamahagi ni PBBM sa mga agrarian reform beneficiaries sa Soccsksargen

KORONADAL CITY – PANGUNGUNAHAN ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang distribution ng Certificate of Land Ownership Award o CLOA at Support to Parcelization of Lands for Individual Titling o SPLIT Project e-Titles sa mga agrarian reform beneficiaries (ARB) ng Department of Agrarian Reform o DAR Region 12 sa Mayo 24 sa South Cotabato Gym and Cultural Center.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Aabot sa 4,351 na mga e-Titles ang ipamamahagi ng pangulo kung saan 3,167 dito ay sa ilalim ng SPLIT habang 1,184 naman ang sa regular program.

Ito ay may lawak na 5,918.44 hectares. Mabibigyan ng titulo ang 4,271 na mga agrarian reform beneficiaries. Sa South Cotabato, nasa 1,619 na mga ARBs ang benepisyaryo.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Una nang inihayag ni Marcos na target ng administrasyon na matapos ang land distribution program bago matapos ang kanyang termino.

Dahil dito, inatasan ng pangulo ang DAR na palakasin ang mga programa nito katulad ng Project SPLIT upang agad na maipagkaloob ang lupa sa lahat ng mga kwalipikadong benepisyaryo.