Paglobo ng mga pasaherong uuwi sa Naga City at Camarines Sur ngayong halalan at undas, inaasahan na ng Bicol Central Station

NAGA CITY – Ngayon pa lang ay inaasahan na ng Bicol Central Station Naga, ang paglobo at pagdagsa ng mga pasaherong uuwi ngayong halalan at undas sa Naga City at Camarines Sur.

Halos isang linggo din kasing walang pasok sa trabaho ang ilan at ang iba naman sasamantalahing makapagbakasyon.

Read More:  12 kilos of suspected shabu worth ₱81.6 million intercepted at Batangas Port

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Roderick Reforsado, Terminal Manager ng BCS Naga, simula sa lunes, magiging mahigpit ang kanilang monitoring sa pagdatingan ng mga pasahero maging ng mga buses, upang makita o mabalanse kung ilan o kinakailangan pa bang magdagdag ng mga biyahe para na rin makapagbigay ng special permit.

Read More:  Appliance center manager robbed at gunpoint in Davao City

Ilan kasi sa mga sakop na bus company sa terminal, fully booked na ang reservation.

Ayon pa sa opisyal, posibleng mag-extend din sa oras ng biyahe lalo na ang nasa labas ng Bicol o kahit sa buong rehiyon.