SP Zubiri: patawan ng habambuhay na pagkakulong ang mga sangkot sa fatal hazing

Iminungkahi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na patawan ng habambuhay na pagkakulong ang lahat ng mga mapatutunayang may sala sa likod ng pagkamatay ng criminology student na si Ahldryn Bravante.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ito ay matapos itong magka-Hematoma dahil sa isinagawang initiation rites sa kanya ng ilang miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity.

Maalala, ayon sa Quezon City Police District (QCPD) hawak na nila ang labingtatlong pangalan ng mga hinihinalang suspek sa pagkamatay ni Brevante.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Kaugnay nito, tiniyak naman ni QCPD Police Chief, Police Brigadier General Rederico Maranan na gagawin nila ang lahat upang mahuli ang may sala sa likod ng insidenteng ito.