Paglilipat ng petsa sa paggunita ng mahalagang araw sa kasaysayan tulad ng Bonifacio Day, maaaring magdulot ng kalituhan sa kabataan- Prof

NAGA CITY- Regular Holiday kahapon Nov. 27, 2023  sa bisa ng Proclamation No. 90 ni Pangulong Bongbong Marcos , para gunitain ang kapanganakan ng bayaning si  Andress Bonifacio pati ang pag-alala sa buhay at sakripisyo nito para sa bayan.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Orihinal itong ginugunita tuwing November 30 ngunit inilipat ito sa araw ng Lunes upang idikit sa mga araw ng Sabado at Linggo o long weekend.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Ateneo  Social Sciences Department Chairperson Professor Leo Paulo Imperial ang economic holiday ang rason subalit malaki aniya ang impact nito sa mga Filipino lalo na sa mga kabataan o mga mag-aaral. Maaari aniya itong magdala ng kalituhan at mawala ang tunay na kahulugan ng okasyon.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros