Pinalilikas na ng Ukraine ang kanilang mga mamamayan na nasa Russia sa gitna ng tumataas na pangamba ng giyera.
Kasunod na din ito ng pagpapakilos ng Ukraine sa kanilang military reserves at pagdedeklara ng state of emergency.
Ang deklarasyon ng Ukraine ay matapos ang order ng Russia sa tropa nito na sinasabing mas lumapit pa sa border ng Ukraine.
Una nang sinimulan ng Russia ang evacuation ng kanilang embassy staff sa Kyiv kung saan ibinaba na rin ang kanilang flag doon.
Matatandaan na nag-anunsyo na din ng serye ng sanction ang Western countries laban sa Russia dahil sa pagkilala nito sa dalawang rehiyon ng Ukraine na independent states.