Mga militar ang mga rebelde nag engkwentro sa Tinambac, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Nagkabakbakan ang mga militar at mga hinihinalang mga rebelde sa Tinambac , Camarines Sur.

Nangyari ito bandang alas-7 ng umaga nitong Miyerkules sa boundary ng Barangay Salvacion at Barangay Union.

Habang nasa Internal Security Operations ang mga military partikular na mag tropa ng 83rd Infantry Battalion  naka engkwentro ang tinatayang 5 mga pinaghihinalaang CTG members.  Tumagal  ng nasa limang minuto ang palitan ng putok.

Kaagad namang nag withdraw sa laban ang umano’y mga rebelde at tumungo sa direksyon ng Barangay Buenavista. Walang casualty sa hanay ng pamahalaan, hindi naman madetermina sa kabilang panig.

Nakuha sa pinangyarihan ang anti- personnel mine, cellphones, poncho at hammock.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *