Muling nilinaw ng author ng Maharlika Investment Fund sa Senado na hindi pa rin obligado ang mga state pensioners na SSS at GSIS na maglagak ng pondo sa isinusulong na sovereign fund ng administrasyon.
Ayon kay Senador Mark Villar – mayroong probisyon sa Senate version ng Bill na hindi mandatory ang pagpapasok ng mga naturang pondo sa initial seed ng MIF.
Ibig sabihin, bagamat hindi obligado ang SSS at GSIS, hindi rin naman ito pagbabawalan at ipauubaya na sa board o sa management ng mga ito kung maglalagak ba sila ng pondo sa Maharlika Fund.

Kung maaaalala, sinabi ni Senadora Imee Marcos na kay Pangulong Bongbong Marcos na mismo nanggaling ang order na alisin na ang SSS at GSIS sa MIF.
Ipinagtataka raw nila kung bakit sa House version ay wala na ang mga ito, pero sa Senado ay tila itinutulak pa rin ang paglalagay ng SSS at GSIS sa MIF, gayong pera ito ng mga miyembro, at hindi ng Gobyerno. //LGD, edited MHEL PACIA