Teves, umapela sa Speaker na ‘wag siyang personalin

Hindi na sinagot ni Rep. Arnie Teves kung ano ang magiging reaksyon niya sakali mang tuluyan na siyang alisin bilang kinatawan ng 3rd District ng Negros Oriental sa Kamara.

Ito ay sa gitna ng gagawing pagpapataw ng mas mabigat na disciplinary actions ng House Ethics Committee laban sa kaniya dahil sa patuloy niyang pagliban sa Kamara sa kabila ng kakulangan ng travel authority.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Kung maaalaa, hindi na idinetalye ng panel kung anong sanctions ang ipapataw nila laban kay Teves.

Sa isang panayam, sinabi ni Teves na wala na siyang kapangyarihan dito at wala na siyang panama laban sa chairperson ng panel at kay House Speaker Martin Romualdez.

Aniya, una pa lang daw ay hindi na patas ang kaniyang laban dahil ‘rule of boss’ daw ang ipinaiiral ng Kamara at hindi rule of law.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Nanawagan din siya kay Romauldez na ‘wag siyang personalin dahil kung mayroon daw bahong idiniriin laban sakaniya – mayroon din daw siyang bagong nalalaman laban kay Romauldez.

Kung maaalala, una nang sinabi ng kaniyang abugado na si Atty. Ferdinand Topacio na handa raw silang i-akyat sa Korte Suprema o Ombudsman ang kaso sakali mang patalsikin si Teves sa Kamara. //LGD, edited MHEL PACIA