Paglalagay ng dengue fast lane sa mga pampublikong ospital sa lalawigan posible

CAMARINES NORTE – Posibleng magpalabas sa mga susunod na araw ng isang memorandum o advisory ang Provincial Health Office na mag- aatas sa mga pampublikong ospital na maglagay ng dengue fast lane.

Ito ang inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Franciso sa naging panayam ng Brigada News FM Daet sa harap ng inaasahang pagdagdag pa lalo ng mga kaso ng dengue lalo na sa pagsapit ng ntag- ulan.

Mababatid na batay sa datos ng Department of Health, pumalo na sa 112 ang naitalang kaso ng dengue sa Camarines Norte mula Enero 1 hanggang Hunyo 1 nitong taon na pangalawa sa may pinakamaraming kaso sa rehiyon.

Paalala naman ng PHO sa publiko na panatilihing malinis ang paligid at siguruhing walang pamamahayan ang lamok na magdadala ng sakit.

Maliban sa mga kabahayan, dapat din umanong masiguro na walang mosquito breeding site sa mga eskwelahan at malinis ito para sa darating na pasukan.

Ngayong Hunyo ay Dengue Awarness Month.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *