Filing of Application sa camarines Norte Testing Center para sa August 2024 CSE- PPT isinara na ng CSC

CAMARINES NORTE – Isinara na ng Civil Service Commission ang filling of application sa Camarines Norte Testing Center para sa August 11, 2024- Career Service Examinations Pen and Paper Test.

Batay sa Regional Advisory ng Civil Service Commission, ito ay dahil naabot na ang allotted slots ng examinees para sa Camarines Norte.

Mababatid na  nasa 1, 450 ang allotted slots para sa Camarines Norte testing Center, 1 300 sa professional level habang 150 naman sa sub- professional.

Ayon kay CSC Diretor II Atty. Alicia Salinas, hindi nadagdagan ang nabanggit na bilang ng slots para sa lalawigan.

Mababatid na bago ang actual filing ay kinailangan munang mag online registration ng mga nagnanais mag- exam sa New Normal Waitlist (NLIST) system.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *