DOE, siniguro na ligtas ang distribution facilities sa nalalapit na La Niña

Tinitiyak ng Department of Energy (DOE) na ligtas ang mga distribution facilities ng kuryente habang inaasahan ang La Niña na magdudulot ng mas malakas na pag ulan.

Ayon kay DOE Secretary Raphael Lotilla, maaaring makaapekto ang pagbaha sa mga distribution facilities.

Sinabi naman ni DOE Assistant Secretary Mario Marasigan, na sapat ang suplay ng kuryente, ngunit ang mga distribution facilities at pamamahagi ay maapektuhan ng extreme weather conditions.

Makakatulong ang pag-ulan mula sa La Niña upang mapunan ang mga reservoir ng hydroelectric plants na naapektuhan ng El Niño.

Nagtutulungan na ang DOE at Energy Regulatory Commission sa pag-aayos ng mga isyu sa power outages.

Mayroong higit sa 5,000 megawatts ng bagong thermal at renewable energy facilities na paparating, kaya’t kumpiyansa ang DOE na matutugunan ang pangangailangan ng bansa sa enerhiya hanggang 2028. (Angela Rose Brazas – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *