Paglalagay ng camera sa mga kalsada sa Bicol inaasahang matatapos ngayong taon para sa pagpapatupad ng MVRES ng LTO

BICOL—Inaasahan ng Land Transportation Office (LTO) Bicol na matatapos ngayong taon ang paglalagay ng mga camera sa mga estratehikong lugar sa mainland provinces sa rehiyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Regional Director Francisco Ranches ng LTO, inihayag nitong bahagi ito ng proyekto ng kanilang main office para sa Motor Vehicle Recognition and Enforcement System (MVRES).

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Uunahing lagyan ang mga lugar mula sa Camarines Sur hanggang sa lalawigan ng Sorsogon at kalaunan ay sa mga islang lalawigan pero tumanggi muna ang opisyal na ihayag ang iba pang detayle hinggil dito para sa mga kadahilanang panseguridad.

Kasabay ng pag setup ng mga camera ay ang paglalagay din ng Radio Frequency Identification (RFID) sa mga sasakyan upang mas madaling makuha ang detalye ng mga ito.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

Sa pamamagitan nito ay mas madaling matutukoy ng mga enforcers ang mga sasakyang nasasangkot sa aksidente, krimen o pagpapasaway sa kalsada gamit ang kanilang RFID reader.

Sa ngayon anya ay mayroon nang inilagay na command center ang kanilang central office para sa proyektong ito at nakatakda ring mag setup ng sariling command center ang regional office. || with reports from BNFM Legazpi