Paglagda sa ARAL Law, malaking hakbang tungo sa learning process ng mga mag-aaral na napag-iiwanan – liderato ng Kamara

Binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez na titiyakin ng bagong batas na Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL na hindi mapag-iiwanan ang mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan sa learning process.

Ayon kay Romualdez, “consistent” ang batas sa economic development mantra ng administrasyong Marcos na nagbibigay ng oportunidad sa bawat Pilipino na mapabuti ang buhay.

Magkakaloob aniya ang ARAL Law ng libre at epektibong national intervention mechanism para sa mga estudyante na nahihirapan sa leksyon lalo na sa pagbasa, Mathematics at Science upang maabot ang itinakdang competencies ng Department of Education.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Punto ng Speaker, tutugunan nito ang mga isyu sa kahirapang matuto ng basic education learners at magbigay ng solusyon base sa assessments ng DepEd personnel.

Target ng bagong batas ang mga bumalik o nakatakdang bumalik sa paaralan, mga estudyanteng mababa sa minimum proficiency levels at mga bumagsak sa pagsusulit.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Ang mga maaabot ang minimum proficiency levels ay pahihintulutan na mag-enroll sa ARAL supplemental classes sa kasagsagan ng summer break.

Samantala, ang mga teacher, para-teachers at pre-service teachers ay maaaring magsilbing ARAL program tutors at babayaran alinsunod sa rules ng DepEd at Department of Budget and Management basta’t nakapag-render na ng anim na oras na actual classroom teaching.