SORSOGON CITY – Nagkaisa sa paglagda sa isang Peace Covenant ang mga lalahok sa halalan upang maging mapayapa at malinis ang gagawing kampanyahan at eleksyon ngayong darating na Mayo 9 na isinagawa kaninang umaga, Abril 29 sa ikatlong palapag ng Main Building ng Sorsogon Police Provincial Office, Camp Salvador Escudero Sr.


Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Director na si PCol Arturo Brual kasama ang iba’t-ibang sektor ng lipunan.
Halos iisa ang tema ng mga pahayag ng mga dumalo, hiniling ng mga ito sa mga kandidato na magkaroon ng mapayapa at malinis na eleksyon.
Kasabay ng kaganapan ay ang paglagda sa 2022 National and Local Election Integrity Pledge.
