LEGAZPI CITY – Posibleng pa rin umano na mailagay sa alert level 3 status ang buong Bicol Region sa oras na magpatuloy pa rin ang pagdami ng kaso ng Coronavirus Disease (COVID) 19.
Ito Ang inihayag ni Regional Director Atty. Anthony Nuyda ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol sa Brigada News FM Legazpi.
Ayon Kay Nuyda, sa ginawang pagpupulong ng Bicol Inter Agency Task Force (BIATF) sa report marami naman ngayon na Local Government Unit (LGU) ang nagkaroon ng kaso ng covid 19.
Dahil dito ay muling nagsipagbalikan ang mga ito sa classification na low, moderate, at high risk sa covid 19 ang mga LGU’s.
Nilinaw din nito sa report ng Department of Health (DOH) Bicol ay wala pa naman rekomendasyon na ilagay sa mataas na alert status ang Bicol Region.
Dagdag pa nito, meron o walang rekomendasyon ng DOH at BIATF na baguhin ang alert status ng Bicol Region, tanging ang National IATF lamang ang mayroong final recommendation nito na nakakalap na impormasyon sa kaso ng covid 19.
Inihalimbawa ang paglalagay sa alert level 3 status ng Naga City ang National IATF ang nagrekomenda nito at walang kinalaman rito ang Local IATF.
Nananawagan ngayon ang opisyal, na huwag na munang lumabas ng kanilang bahay, kung hindi naman essential ang lakad ng mga ito at manatili muna sa tahanan ang mga Bicolano upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng covid 19.