LEGAZPI CITY – Ipinagbabawal na sa Albay ang pagpasok ng hindi bakunadong residente sa mga establisyimento at maging pagsakay sa mga pampublikong sasakyan.
Ito ay paghihigpit sa ilalim ng executive order na inilabas ni Albay Governor Al Francis Bichara nitong nakaraan araw upang magtakda ng mga alituntunin laban sa pagkalat ng mga variant ng COVID-19 sa nasabing lalawigan.
Maliban pa rito, ang mga hindi nabakunahang APOR na papasok sa trabaho ay dapat magpakita ng kanilang negatibong resulta ng pagsusuri sa RT-PCR kada dalawang lingo, kung hindi ay hindi sila papayagang umalis sa kanilang mga tahanan upang magtrabaho.
Samantala, ang mga menor de edad na hindi pa nabakunahan ay wala pang 12 taong gulang, hindi pinapayagan sa mga mall at iba pang business establishments at dapat manatili lamang sa kanilang tahanan.
Bukod dito, ang mga nabakunahan ay kailangang magdala ng kanilang vaccination card sa lahat ng oras at ipakita ito sa mga opisyal ng barangay at mga pulis kapag hiniling.