Pagkatay at pagbyahe ng baboy na walang kaukulang dokumento ipinagbabawal ng Botolan

Ipinagbabawal ng Lokal na Pamahalaan ng Botolan, Zambales ang pagkakatay at pagbyahe ng baboy na walang kaukulang papeles mula sa Municipal Agriculture Office at Provincial Veterinary Office.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Ito ay matapos na makapagtala ng kaso ng African Swine Fever kamakailan ang bayan mula sa backyard hog raisers.

Ayon kay Municipal Agriculturist Ramon Dolojan, layon nitong maiwasang kumalat pa ang sakit.

Read More:  Public school teacher arrested in Davao del Oro drug bust

Samantala, mayroon umanong bagong pinasusuri ang LGU na blodd sample at sa ngayon ay hinihintay ang resulta nito.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO