Kabataan party-list Rep. Manuel, pinatayan ng mic habang nagpapaliwanag sa pagtutol sa Nat’l Budget

Hindi pinatapos at pinatayan pa ng mikropono si Kabataan Representative Raoul Manuel sa kalagitnaan ng kanyang paliwanag sa pagtutol sa panukalang national budget.

Kinuwestiyon ni Rep. Manuel ang batayan na nagpapatunay sa 2024 national budget bill bilang urgent lalo na kapag walang public calamity o emergency.

Ang P5.768 trillion proposed budget ay 9.5 percent na mas mataas sa 2023 national budget na P5.267 trillion.

Samantala, Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang 2024 General Appropriations Bill sa botong 296-3-0.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *