Magna Carta of Filipino Seafarers, lusot na

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 2221 o ang panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers.

Sa naging botohan, 14 ang senador bumotong pabor, wala ang tumutol at walang nag-abstain.

Layon ng naturang panukala na maitaguyod ang kapakanan at patuloy na pag eempleyo ng mga Pinoy seafarer.

Una nang sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na urgent bill ang panukalang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *