Balak ng League of Provinces of the Philippines na hilingin sa Inter-agency Task Force na ipagpalipan muna ang pagpapatupad ng ‘Alert Level System for Covid-19 response’ sa buong Pilipinas.
Ginawa ng grupo ang pahayag kasunod nang naging desisyon ng IATF na gawin sa buong bansa ang alert level system matapos umanong makita na epektibo ang pilot implementation nito sa Metro Manila.

Ayon kay League of Province President at Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr. hihilingin umano ng mga gobernador na bigyan sila ng sapat na panahon upang gumawa ng executive order.
Maliban pa dito kailangan din umanong maayos ang desiminasyon ng impormasyon at maipaliwanag sa mga tao bago ang pagpapatupad nito.
Sinabi ni Velasco na kung pagbibigyan sila ng IATF pwedeng sa November 1 na lamang ipatupad ang bagong alert level system.