Pagkakasama ni PRRD sa listahan ng press freedom predator, walang basehan- Palasyo

Wala umaong basehan ang desisyon ng Reporters Without Borders’s (RSF) na isama si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng “press freedom predators.”

Sa inilabas ng Paris-based media watchdog na gallery ng world leaders na naglunsad ng crack down sa press freedom, sinabi nitong ang predatory method ni pangulong Duterte sa Pilipinas ay paglulunsad ng gyera kontra mga independent media.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sa isang press briefing, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na kahit ang International Criminal Court (ICC), na planong magsagawa ng imbestigasyon sa madugong war on drugs ng pangulo, ay ginagamit ang mga inilalabas ng news outlets na kritikal sa gobyerno sa kanilang reporting sa Pilipinas.

Kaya naman nagpapakita lamang itong buhay at maayos ang press freedom sa Pilipinas.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Giit ni Roque, di dapat sisihin si pangulong Duterte sa pagsasara ng broadcasting network na ABS-CBN at ang pag-revoke sa license to operate ng news website na Rappler.

Aniya, ang Kongreso ang nagbasura sa franchise application ng ABS-CBN habang ang Securities and Exchange Commission naman ang nagisyu ng revocation ng lisensya ng Rappler.