NTF sa LGUs: Iprayoridad ang pagbabakuna ng 2nd Sinovac doses dahil delayed ang next shipment

Hinimok ng National Task Force Against COVID-19 ang mga local authorities na iprayoridad ang ikalawang doses para sa mga indibidwal na nakatanggap na ng unang doses ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Ito ay dahil ayon kay Secretary Vince Dizon, na-move sa July 18 ang delivery ng bakuna ng Chinese firm pero inaasikaso na umano ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na mai-deliver na ang shipment sa susunod na linggo.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Ayon kay Dizon, na-delay ang delivery dahil sa global supply constraints.

Sa isang hiwalay na statement, sinabi ni Galvez na ang delayed Sinovac shipment ay binubuo ng 2.5 milyong doses.

Dahil dito, inabisuhan ni Galvez ang mga LGUs na wag munang gamitin ang Sinovac bilang unang dose para masigurong mapo-protektahan na ang mga Pilipinong nakakuha na ng unang shot.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Tiniyak din ni Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na walang problema kahit ang interval ng una at ikalawang dose ay tatlo hanggang anim na buwan.

Mababatid na sa ngayon, nakapagbakuna na ang bansa ng mahigit 12 milyong doses ng COVID-19 vaccines na Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Sputnik V, at Moderna.