SORSOGON CITY – Inaresto ng mga operatiba ang dati nilang kabaro dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.
Hinuli sa pinagsamang buy-bust operation ng Reg’l Police Drug Enforcement Unit 5, PDEA-Masbate, Reg’l Intelligence Division-Spl Operations Unit, Masbate PPO Provl Drug Enforcement Unit, Drug Enforcement Unit ng Cawaya Police katuwang ang Maritime Police si Neljun Ortega Lepasana, 30-anyos, residente ng Brgy Divisoria ng nasabing bayan.
Naaresto ang suspek sa Danielle Eco Park sa Brgy Poblacion ng nabanggit na bayan.
Matapos ang buy bust ay nakumpiska dito ang humigit-kumulang na 55 gramo ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P374K sa merkado.
Ayon sa impormasyon, ang suspek ay matagal na umanong minamanmanan dahil sa malawak nitong operasyon ng iligal na droga sa bayan ng Placer at Cawayan. Nasa listahan din umano ito bilang High Value Target Regional Level.
Si Lepasana ay dating nakadestino sa NCR, Southern Police District-Drug Enforcement Unit, subalit nadismis sa serbisyo dahil sa katiwalian.
Mahaharap ito sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
