CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga business establishment na dapat magkaroon ng Safety Seal.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni DILG Provincial Director Ray Caceres na mahalagang magkaroon nito upang mahikayat din ang mga tao na pumasok sa kanilang establishment.
Mapapanatag daw kasi ang kalooban ng mga customer at kliyente kung alam ng mga itong ligtas ang isang establisyimento o opisina na kanilang papasukan.
Ayon pa kay Caceres isa umano ito sa magiging basehan ng mga polisiyang ipapatupad sa ilalim ng Alert level system.
“Yung sa mga businesses kailangan po silang mayroong safety seal kasi mag i- encourage yan pag nabigyan po sila ng safety seal na ng LGU, nag i- encoaurage po yan na ang kanilang establishment ay na check na, na evaluate o na asses, safe na pumunta dun kasi mayron silang mga safety measures,” ani Caceres.
Ang Safety Seal program ay inter-agency effort ng iba’t- ibang ahensiya ng gobyerno.
Kinabibilangan ito ng DILG, Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Tourism (DOT), at Department of Labor and Employment (DOLE) na naggagawad sa mga establishments ng Safety Seal.
Nagpapakita ito na ang isang gusali o establishment ay sumusunod sa health protocols kontra COVID-19.
Para makatanggap ng Safety Seal ang pribado man o pampublikong establsyimento ay kinakailangang makapasa sa eligibility requirements susog sa ipinapatupad na Minimum Public Health Standards ng IATF at national government.
“So tututkan din po ito at isa ito sa mga parameters sa Alert level system na kung saan itataas o ibaba ang mga capacity ng mga business establishment,” pahayag pa ni Caceres.
