DOH Bicol nanawagan muli ng suporta sa ikalawang round ng Bayanihan Bakunahan sa susunod na linggo

BICOL—Aarangkadang muli sa susunod na linggo ang Bayanihan Bakunahan National Vaccination Days sa ikalawang pagkakataon.

Layunin nito na patuloy pang mapataas ang bilang ng mga mababakunahan laban sa COVID-19 kung kaya muling nanawagan ang Department pf Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na makiisa at suportahan muli ang aktibidad.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Target ng ahensya na malagpasan pa ang bilang ng mga nabakunahan sa unang round ng bakunahan na ginanap noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 at pinalawig hanggang noong Disyembre 3.

Lalargang muli ang kaparehong aktibidad sa Disyembre 15 hanggang 17 kung saan nais ni DOH Bicol Regiobal Director Ernie Vera na makapagbakuna ng mas marami pa sa 635,459 na nabakunahan sa first round.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Naniniwala ang opisyal na kaya itong maabot ng rehiyon kung patuloy ang positibong suporta ng mga LGU at ng bawat Bicolano sa hakbanging ito ng gobyerno laban sa COVID-19.### | slm