CAMARINES NORTE – Mas paiigtingin ng buong hanay ng kapulisan ang kanilang kampanya kontra kriminalidad sa buong probinsya ng Camarines Norte
Ayon kay PCOL JULIUS DANAO GUADAMOR, Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office, Ang mga tauhan ng pulisya ay patuloy ang mga isinasagawang operasyon kontra iligal na droga, krimen at terorismo gayundin ang masigasig na pagpapatupad ng Oplan Sita bilang isang mabisang paraan upang mahuli at mapigilan ang mga posibleng masamang gawain o plano ng mga kawatan lalo na ng mga riding in tandem.
Ayon pa kay PCOL GUADAMOR, patuloy at gagawing mas maigting pa ang pagbabantay ng mga kapulisan lalo sa mga matataong lugar tulad ng terminals, , mga pook pasyalan, mga simbahan at sa mga malls sa lahat ng lugar sa lalawigan pati na ang mga magsusulputang mga tindahan o tiangge sa lansangan na may iba’t ibang pakulo gaya ng mga “sales” upang makapaghakot ng maraming mamimili.
Tiniyak din ng naturang opisyal ang kahandaan ng PNP upang hindi makapagsamantala ang masasamang-loob na makapambiktima, makapanloko at makagawa ng anumang krimen sa alinmang lugar.
