Hontiveros, tiniyak na gagawing prayoridad ang pagpasa ng SOGIE Equality Bill sa

Tiniyak ni Senador Risa Hontiveros na muling isusulong ang SOGIE Equality Bill sa papasok na 19th Congress.

Sa isang pahayag sinabi ni Hontiveros na gagamitin niya ang bagong kongreso para iprayuridad at ipaglaban ang lahat ng seksuwalidad at kasarian.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Paliwanag ng senadora ang SOGIE Equality Bill ay nakasandal sa diwa ng Konstitusyon at sa diwa ng pagiging Pilipino.

Tutulong din umano ang panukalang batas para magkaroon ng mas ligtas na paaralan, mas accessible na healthcare at maayos na kabuhayan.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Panahon na umano ayon kay Hontiveros na simulan ang paghilom sa sugat dulot ng mga butas sa batas na hinayaang magkaroon ng bulllying, panghuhusga at karahasan sa maraming mga Pilipino.
#