LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Education (DEPED) Bicol hindi pa umano napag-uusapan patungkol sa Palarong Pambansa o Palarong Bicol ngayon school year 2022 – 2023.
Ayon kay Mayflor Jumamil, ang Regional Spokesperson ng DEPED Bicol, wala pang pinal na konkreto na inilalabas na plano na magkaroon ng sports event sa bansa sa pagbubukas ng klase dahil sa wala pang guidelines ang ahensya.
Aniya, maaaring payagan na paunti unti umano bubuksan ang mga palaro na non contact events tulad ng wushu at iba pa dahil sa hindi ito nangangailangan nang physical touch.
Mahalaga pa rin sa mga mag aaral ang edukasyon ngayon panahon ng pandemya kaysa sa mga extra curricular activities.
Samantala, di hawak ng DEPED Bicol ang proyektong tinatapos na Sorsogon Sports Complex bilang host ng Palarong Pambansa.
Tanging ang nakakaalam ng nasabing proyekto kung kailan matapos ang konstruction ng sports complex ang DEPED Sorsogon at Ang Pamahalaang Panlalawigan.