Pagkakaroon ng Central Business District sa upper barangay ng Naga , pag-aaralan

NAGA CITY – May gagawing pag-aaral at evaluation ang LGU-Naga mula sa Barangay San Felipe at sa karatig na upper barangay para sa posibleng pagiging Central Business District nito dahil sa patuloy na ring pagkakaroon ng maraming commercial establishment sa lugar bukod pa sa kaliwa’t-kanang subdivision.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Plano pa lamang ito at kung mabibigyan ng pagkakataon na maiproseso, baka mangyari ngayong taon 2024, batay sa naging pahayag ni Reuel Oliver, head ng Investment Trade and Promotions office sa Brigada News FM Naga.

Aminado si Oliver na hindi ito basta mangyari dahil sa may iba pang binibigyan ng prayoridad ng City Government ngunit naroon pa rin ang pag-asa niyang maasikaso ito dahil sa nakikita ng dahan-dahan ng pagdami ng populasyon sa upper barangay.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Nasa upper barangay ang ilang mga subdivisions, hotel, ilang mini-grocery stores bukod pa sa mga resorts at ilang restaurants.