NAGA CITY- Puspusan na ang paghahanda ng Holy Cross Parish sa pagdagsa ng libo-libong mga deboto ng Itim na Nazareno para sa pista nito sa Enero 9, 2024.
Naobserbahan kasi ng parokya at ng Archdiocese of Caceres na parami ng parami ang mga deboto na ang iba ay mula pa sa iba’t ibang bayan sa Camarines Sur. Patunay nito ang pagkapal at paghaba ng prusisyon kapag isinasagawa ang Traslacion Procession patungo sa Plaza Quezon. Ayon kay Bro. Nicomedes Sirios III, Head kan Liturgy Committee, malayo man sa Quiapo pareho ang malalim na pananampalataya. Kahit na noong pandemya na mayroong banta at restrictions hindi ito nakapigil sa mga deboto.
Sa labas ng Quiapo, Maynila; Cagayan at Naga ang may malaking selebrasyon bago ang pandemya ayon pa sa Simbahan.