COMELEC Naga walang natatanggap na signature forms sa People’s Initiative

NAGA CITY- Sinuspinde ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagtanggap ng mga signature forms na may kaugnayan sa People’s Initiative (PI) kaugnay ng itinutulak ng ilang mga mababatas na Charter Change (Cha-cha).

Sa isang press conference sinabi ni Chairman George Garcia na kailangan ito upang maiwasan ang kalituhan o ano pang problema sa interpretasyon ng probisyon. 

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay COMELEC Officer Atty. Maico Julia Jr, sinabi nitong ang kanilang tanggapan ay wala namang ititigil pa dahil wala pa namang natatanggap na mga lagda. Wala rin aniyang nag tatanong ukol dito. Wala ring namomonitor na kumakalap ng lagda. Maghihintay ang COMELEC ang pormal namagiging guidelines ng en banc ukol sa usapin.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Hati pa rin ang paninindigan ng mga mambabatas ukol sa naturang hakbang kaugnay ng pagbabago sa Saligang Batas.