Mga barangay, obligado nang manghuli ng mga galang aso – APVO

LEGAZPI CITY – Inoobliga na ang bawat barangay na manghuli ng mga galang aso upang mabawasan ang bilang ng mga taong nakakagat nito.

Ayon kay Albay Provinvial Veterinary Office Head, Dr. Pancho Mella, bago manghuli ng mga galang aso, kinakailangang siguraduhin ng mga barangay na mayroong paglalagyan o impounding area ang mga ito.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Aniya, hindi lang dapat barangay ang mayroong animal shelter, maging ang mga lokal na pamahalaan ay dapat mayroon ding mapaglalagyan ng mga alagang hayop.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Dagdag pa niya, sakali man na wala pang mapaglalagyan ang mga barangay ng mga galang aso, ang pamahalaang panlalawigan na muna ang pansamantalang mamamahala rito.

Samantala, aabot lamang sa mahigit 200 na aso ang capacity ng animal shelter sa Albay.