LEGAZPI CITY – Patay ang isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) matapos ang engkwentro ng 49th Infantry Division ng Philippine Army sa Barangay Badbad bayan ng Oas, Albay kahapon nang umaga.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Fm Legazpi, nakatanggap ng sumbong ang tropa ng militar kung kaya’t agad nitong pinuntahan ang lugar upang magsagawa ng combat operation sa nasabing barangay.
Sa hindi inaasahan, nagkatagpo ang mga ito dahilan para ito ay magkaputukan.
Nagtagal ng halos mahigit 30 minuto ang palitan ng putok sa hanay ng gobyerno at communist terrorist gruop (CTG).
Umaabot umano sa humigit-kumulang 15 NPA ang kanilang nakasagupa.
Maliban dito, nakahuli ang army ng dalawang NPA matapos itong magkaengkwentro.
Sa ngayon ay wala pang nilalabas ang Philippine Army na opisyal pangalan ng rebeldeng nasawi at nahuling terrorist group.
Napag-alaman ring umano isa ang Barangay Badbad na nagdeklara ng persona non grata laban sa NPA.