Paghahanda ng PH sa World Cup, 85-90% na

Animnapu’t pitong araw na lang bago ang 2023 FIBA World Cup, halos handa na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pagho-host nito simula August 25 hanggang September 10.

Sinabi ni Samahan ng Basketball sa Pilipinas president Al Panlilio, nasa 85 hanggang 90 percent na ang preparasyon ng bansa at umaasang magiging smooth ang pagtanggap sa mga delegasyon na kinabibilangan ng mga coaches at players sa 32 bansa.

Read More:  69 Filipino para athletes gear up for Asian Para Games

Bukod sa mismong kumpetisyon, naghahanda na rin ang SBP para sa pagho-host nito ng FIBA World Congress kung saan nasa 200 national federations ang kalahok.

Read More:  Carlos Yulo advances to vault, floor exercise finals at World Championships

Pinaghahandaan din ng SBP ang Hall of Fame ceremony kung saan nakatakdang bigyan ng mataas na pagkilala ang mga sport legends kabilang na si Caloy Loyzaga.