POC, magbibigay ng insentibo sa Filipino medalists sa SEA games

Magbibigay ng insentibo ang Philippine Olympic Committee sa mga atletang nag-uwi ng medalya sa 32nd Southeast Asian Games sa pagdiriwang ng Olympic Day sa University of the Philippines Track and Field Oval sa Quezon City ngayong araw.

Pangungunahan ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino ang Olympic Day na taon-taong idinaraos sa paggunita ng pagkatatag ng International Olympic Committee.

Nakatakdang bibigyan ng tseke ang 260 na SEA Games medalists kung saan kabilang ang mga sumabak sa individual, doubles, at team sports.

Maalalang, nakuha ng Pilipinas ang ika-limang pwesto sa 32nd SEA Games na ginanap sa Cambodia noong Mayo matapos makasungit ng 54 na gold medals, 85 na silver, at 117 na bronze. // AC