Pagganti sa China – ‘wala sa best interest’ ng Pilipinas

Kinumpirma ni National Maritime Council Spokesperson Vice Adm. Alexander Lopez na maghahain muli ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas hinggil sa pinakahuling dangerous maneuver ng China sa barko ng Pilipinas sa Escoda Shoal.

Sa press briefing sa Malacañang, binanggit ni Lopez na nananatiling committed ang pamahalaan sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na idaan sa diplomatic approach at peaceful resolution ang pagresolba sa naturang insidente.

Read More:  Nearly 89,000 evacuated in India as Cyclone Arnab approaches

Ipinaliwanag ni Lopez na hindi kabilang sa best interest ng Pilipinas ang pagganti sa marahas na aksyon ng China.

Sa kabila naman nito, nanindigan ang NMC na ipapatuloy ng bansa ang paggiit sa karapatan at hurisdiksyon ng Pilipinas sa West Philippines Sea.

Read More:  Meghan Markle’s father Thomas Markle, arrested over alleged child pornography possession

Ipagpapatuloy din anya ng gobyerno ang pagsasagawa ng routine maritime activities at sa pagprotekta sa teritoryo at maritime zones mula sa environmental degradation at iba pang illegal na aktibidad.