Nilinaw ng PHIVOLCS na hindi dulot ng aktibidad ng Bulkang Taal ang haze na naobserbahan at naranasan sa Metro Manila kahapon kundi dahil sa mga local pollutants mula sa mga sasakyan sa lungsod.
Ayon kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, hindi raw umabot sa Metro Manila ang volcanic smog na galing sa Taal.
Paliwanag pa ni Bacolcol, nanatili sa mababang antas ng hangin ang mga local pollutants sa National Capital Region dahil sa mahinang hangin nitong nakaraang tatlong araw.
Matapos ang ulan kahapon, naobserbahan lamang ang vog sa caldera ng Taal Volcano.
Sa ngayon ay naghihintay pa ang PHIVOLCS ng reports kung may iba pang vog na naobserbahan sa Batangas.
Matatandaan na bumagsak kahapon ng umaga ang kalidad ng hangin sa maraming lugar sa Metro Manila.