Guo, ‘di pa nakalabas ng bansa: kampo

Naniniwala ang kampo ni dismissed mayor Alice Guo na malabo namang nakalabas na ito ng Pilipinas, taliwas ng sinabi nina Senator Risa Hontiveros at ng PAOCC na kung saan-saang bansa na ito nakarating.

Sabi ni Atty. Stephen David, counsel ni Guo, nakausap pa niya ang kaniyang kliyente kahapon at sinabing nasa Pilipinas pa ito.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Muli ring kinumpirma ni David na humarap pa si Guo sa isa pa niyang abugado para manumpa ng counter-affidavit.

Ibig-sabihin nito, malabong raw na nakalipad na ito noong July 18 papunta sa Malaysia, bago magtungo sa Singapore at pa-Indonesia.

Sa kabila niyan, idiniin ni David na kung siya ang tatanungin – ang payo niya kay Guo ay magpakita ng proof of life na nasa Pilipinas pa rin siya.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Sa isa namang panayam, kinumpirma rin ni Atty. Elmer Galicia, na nakausap pa niya nang personal si Guo.

Maaalalang siya ang nag-notaryo ng kaniyang counter-affidavit.

Dahil dito, ipatatawag na rin siya sa susunod na pagdinig ng Senado.