Paggamit ng water cannon ng barko ng Pilipinas, tinutulan din ng Pangulo

Tutol si Pangulong Bongbong Marcos na maglagay ng water cannon sa mga barko ng Pilipinas.

Sa ambush interview sa PICC, nanindigan ang Pangulo na walang intensyon ang bansa na mang-atake ng kahit sino gamit ang water cannon.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayaw din nitong tumaas pa ang tension sa West Philippine Sea.

Hindi rin daw misyon ng Philippine Navy at Coast Guard na magsimula o pataasin pa ang tension sa WPS, bagkus ang kanilang misyon anya ay kabaligtaran nito.

Read More:  China Coast Guard fires water cannons at Philippine vessels for second straight day

Kaya anya kapag nagkakaroon ng panibagong harassment ang China, dinadaan ng Pilipinas sa mapayapang paraan ang pag kondena, tulad ng pagpapadala ng de marche, at diplomatic protest.