Pagbabalik ng klase sa Hunyo, posible na sa susunod na taon

Positibo si Pangulong Bongbong Marcos na maibabalik na sa buwan ng Hunyo ang school calendar ng mga estudyante.

Sa ambush interview sa Pangulo sa PICC, umaasa itong maipatutupad ito sa susunod na taon.

Anya, humingi sya kay DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte ng kongkretong plano, dahil kailangan na kailangan nang maibalik sa dating school calendar ang pasukan bunsod na rin ng lumalalang El Niño.

Nag-commit na rin ang DepEd hinggil dito.

Nabatid na maraming eskwelahan sa bansa ang nag-suspend ng face to face classes dahil sa sobrang init ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *