Nakatakdang dumulog ang Armed Forces of the Philippines sa mga social media giants gaya ng Meta Group o Facebook at ng Twitter para kalampagin ito sa umano’y naka-aalarmang recruitment ng mga rebeldeng grupo.
Ito ang ginawang pahayag ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala matapos namang i-flag ng Facebook ang isang post ni National Security Adviser Hermogenes Esperon.
Sa post kasi ni Esperon, tinukoy nito na ‘di umano ay napasok na ng mga komunista ang party-list system sa Kongreso.
Ayon kay Col. Zagala, kung kayang gawin ng Facebook na i-flag ang post ni Esperon – bakit hindi raw ito gawin ng social media company sa mga rebelde.

Paliwanag nito, mayroon naman aniyang umiiral na mga community standards ang Meta Group kaya sana raw ay maipatupad ito nang maayos.
Giit nito, mas dapat raw maimbestigahan ang lantarang recruitment ng mga makakaliwang grupo sa social media dahil ito ay nanghihikayat ng karahasan.
#