Iminungkahi ng Commission on Elections na payagan pa ring maka-boto ang mga covid-19 positive individuals kahit na ito ay naka-isolate sa mga tahanan o sa mga quarantine facilities.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa Department of Health para mabalangkas ang mga panuntunan sa kung papaano pa rin makaboboto ang ating mga kababayan.
Sa oras na maisapinal na kung ano ang gagawing siste sa pagboto ng mga isolated individuals, papayagan na ang mga ito na ma-exercise ang kanilang karapatn para makaboto.
Samantala, inihayag din ng poll body chief na mayroon na silang mga nakalatag na hakbang para masigurong ligtas mula sa COVID-19 ang ating mga kababayang pupunta sa mga polling precints sa Mayo a-nueve.
Magtatalaga rin ang Comelec ng mga medical team para maalalayan ang mga botanteng maaaring magpakita ng mga sintomas.

Ang medical quick response team na ito ang siyang mag-aalalay sa mga botante sa mga medical facilities para sa tamang isolation o testing.
Muli namang ipinaalalang tanggapan na hindi naman magkakaroon ng mismong testing areas bago makapasok sa mga presinto dahil mas magpapabahal lamang ito sa proseso ng pagboto.
#