SORSOGON CITY – Umapela si City Councilor at Committee on Transportation Chairman Eric Franco Ravanilla sa transport sector kaugnay ng paggamit ng Sorsogon Integrated Terminal Exchange o SITEX.
Sa pahayag ng opisyal, sinabi nito na hangga’t walang Memoramdum of Agreement (MOA) sa pagitan ng SM at ng City Government ay walang dapat na bayaran na anumang halaga ang mga ito.
Payo nito sa mga tsuper at operator na huwag magpapadala sa mga sabi-sabi na kailangang magbigay ng reservation fee para sa patuloy na paggamit ng SITEX.
Aniya, hangga’t wala ang nasabing kasunduan o MOA ay mananatiling dry run ang paggamit sa nasabing terminal.
Matatandaan na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring iniimbistigahan ang hinggil sa diumano’y pagbabayad sa SITEX ng limang trasport cooperative ng halagang aabot sa P200K para sa slot at reservation sa nasabing terminal.
