SORSOGON CITY – Nagsagawa ng isang pagsasanay ukol sa pagpapalakas ng law enforecement at paninigurong ligtas ang mga marine protected areas sa bayan ng Magallanes sa lalawigan ng Sorsogon.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ng Philippine Rural Development Program-Geographic Environmental Facility, na may layong mas mapangalagaan ang mga itinakda nitong protected areas.
Dinaluhan ang training ng Project Officers, Proponent Groups, Bantay Dagat at iba pang stakeholders ng naturang bayan.
Layon din nito na hasain at palakasin ang operasyon at mobilisasyon ng law enforcement sa mga baybayin, at patatagin ang pagbabantay sa mga lugar na ideniklarang marine protected areas o fish sanctuaries ng Magallanes.
Iprinisenta ng mga kalahok ang kanilang plano at estratehiya kung paano maipatutupad at maisasakatuparan ang kasalukuyang umiiral nang fishery laws sa bansa.
