SORSOGON CITY – Patay ang isang lalaki matapos ito makuryente habang nangingisda sa ilog sa Sitio Cagpacol, Brgy Lungib sa bayan ng Casiguran, Sorsogon.
Kinilala ang biktima na si Lamic Penaflor, miyembro ng Seguridad Katrangkiluhan Kan Banwaan (SKKB)-Casiguran at naninirahan sa Brgy Adovis ng nasabing bayan.
Ayon sa MDRRMO-Casiguran, bago magtanghali kaninang umaga, Pebrero 16; ang biktima, kasama ang kanyang mga kaibigan ay nangisda sa ilog sa nasabing lugar.
Na-out balance umano ang biktima at nakuryente sa live wire na ginamit nito na panghuli ng isda.
Agad na rumesponde ang MDRRMO at naitakbo pa ang biktima sa ospital subalit idineklara ito ng sumuring doctor na ‘dead on arrival.’
Pahayag naman ng Casiguran Police sa Brigada News, wala umano silang natanggap na report tungkol sa insidente ng ‘electrocution,’ subalit makikipag-ugnayan umano sila sa MDRRMO upang makuha ang buong detalye.
Dagdag pa ng Himpilan na ipinagbabawal ang paggamit ng live wire sa pangingisda dahil masyadong delikado ito.
