Paggamit ng phones at gadgets sa oras ng klase, nais ipagbawal

Pinahihigpitan na ni Senate Committee on Basic Education, Chairperson, Win Gatchalian ang pagbibigay ng access sa mga mag-aaral sa paggamit ng cellphones o gadgets sa oras ng klase.

Ito ay matapos lumitaw sa resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) na walo sa sampung mag-aaral ang naaabala sa personal na paggamit nila ng smartphone sa klase at maging paggamit ng iba rito.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Maliban pa roon, ipinunto rin ng senador na nagiging sanhi ng cyberbullying ang paggamit nito kung kaya’t dapat higpitan ang pagbibigay ng access sa mga mag-aaral.

Alinsunod nito, inihain sa Senado ng senador ang Senate Bill No. 2706 o Electronic Gadget-Free Schools Act na naglalayong ipagbawal ang paggamit ng cellphone at electronic gadget sa oras ng klase sa mga mag-aaral at maging guro maliban na lang kung kinakailangan ito sa classroom presentation at sitwasyon may kinalaman sa kalusugan o kapakanan ng mag-aaral.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Anya, sa ilalim nito, magiging mandato ng Department of Education (DepEd) ang pagbabalangkas ng pamantayan tungkol dito.