Porac Mayor Jaime Capil, nanindigang hindi siya protektor ng POGO matapos madiskubre ang isang hub sa kanyang nasasakupan

Itinanggi ni Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil na protektor siya ng POGO.

Ito ay matapos madiskubre sa kanyang bayan ang pinakamalaking POGO hub na sinalakay ng mga awtoridad nitong Miyerkules.

Ayon sa Alkalde, hindi nila binigyan ng permit ang Lucky South 99 na nag ooperate sa POGO compound.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Hindi niya rin umano pagmamay-ari ang lupang kinatitirikan ng POGO compound at sa katunayan ay bago pa raw siya maging mayor ay nakatayo na ito.

Wala rin daw nakakarating sa kanyang reklamo na may biktima ng mga pananakit sa sinalakay na compound at kung meron man ay siya na raw mismo ang nanghingi ng search warrant para irescue ang mga biktima.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Tinangka naman daw nilang inspeksyuning ang compound nitong May 3 pero hindi sila pinapasok kaya nagpapasalamat sila sa PAOCC at sinabing handa silang makipagtulungan sa gobyerno.

Nanawagan naman ang alkalde sa publiko na wag maniwala sa fake news.