Paggamit ng AI sa profiling ng mga travelers, pinag-aaralan – DOJ

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Justice ang posibilidad ng paggamit ng artificial intelligence (AI) sa pag-profile ng mga travelers bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na labanan ang human trafficking.

Sa pulong ng Task Force Against Trafficking, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na ipauubaya niya sa Bureau of Immigration ang panukala depende sa laki ng budget na kakailanganin sa paggamit ng AI.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Samantala, hiningi rin ng DOJ chief ang pang-unawa ng mga biyahero sa mahigpit na screening na nagreresulta sa mahabang pila.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Kinakailangan na aniyang madagdagan ang bilang ng mga Immigration Officer at mga Immigration counter sa mga paliparan.

Para naman kay BI Commissioner Norman Tansingco, nananatiling hamon sa ahensya ang pagtalima nito sa international standard ng pagproseso sa mga biyahero ng 45 segundo, dahil na rin sa dami ng mga pasahero.//CA