OWWA Assistance Desk makikita sa PESO Olongapo mas maraming naseserbisyuhan

Mas marami ang naseserbisyuhan ngayon ng assistance desk ng Overseas Workers Welfare Administration na makikita sa Olongapo City Public Employment Service Office o PESO.

Ayon kay PESO Manager Mario Esquillo, every other week ay may kawani ang OWWA na dumarating para makapagserbisyo sa mga myembro.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kadalasan umano ito ay araw ng Huwebes pero kapag ibang araw naman ay mayroong tauhan ang PESO na sinanay ng OWWA para sumagot sa mga may katanungan.

Dati ay pumupunta pa ang PESO sa opisina ng OWWA sa rehiyo para ihatid ang mga dokumento o anumang concerns ng mga nangangailangan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ngayong mayroon ng assistance desk sa lungsod ay mas nagiging malaking tulong umano ito.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO