Pagdinig sa umano’y manipulasyon sa PCSO, sinimulan na ulit sa Senado

Nilinaw ni Senator Raffy Tulfo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement na inaasahan niyang makuha mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga records na hinihingi niya mula sa nakaraang hearing.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Kaugnay nito, inilapag ni BIR Atty. Ralbert Tibayan na hawak na niya ang summary report tungkol sa kabuuang taxes na binayad ng mga naging winners sa Lotto mula noong Hulyo hanggang Setyembre.

Samantala, iniabot na rin ni PCSO Chief of Staff, Atty. Lyssa. Grace Pagano sa komite ang envelope na naglalaman ng mga pangalan ng lotto winners at maging ang larong napanalunan ng mga ito.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Matapos nito, agad naman ding inutusan ni Tulfo ang BIR na pagbanggain ang mga impormasyong kanilang nakuha at sabihan siya agad kung ito ay tutugma.